Month: February 2015

RPG and life :)

Posted on Updated on

Ansarap maglaro ng RPG (Role Playing Game) ‘no? Eto yung may isang character ka na palelevel-in at ikocustomize base sa gusto mong feature and skill. Parang kinareer na kasi ng mga tambay sa’min paglalaro ng iba’t-ibang RPG gaya ng HoN, Cabal, Ragnarok, etc. Iba kasi talaga yung fulfillment na nararamdaman mo ‘pag ang galing ng character mo tapos may rare items/ equipment. Well, I’ve been there. Halos gutumin ko sarili ko nung hayskul para lang makalaro ng dalawang oras araw araw. Kaso mabilis akong magsawa. Wala naman akong character na umabot ng Level 50 đŸ™‚

Pero at least naranasan kong ma-high sa kinahiligan din ng iba. May konting aral din akong natutunan dito.

Character Building

Ito ang unang gagawin mo bago magsimula- ang icustomize ang Character mo. Usually, nahahati sa Tanker at Support type ang mga character. Either ikaw yung kukumpronta face to face sa kalaban o ikaw yung susuporta sa iba habang nakikipaglaban sila. Depende sa’yo ‘yan. Sa RPG, kailangang alam mo ang strengths and weaknesses ng character mo. Mahalaga na alam mo rin kung sa’n mag-eexcel ang character mo. Pero kung ikukumpara ko sa buhay, isa ang character building sa essentials ng buhay. Dapat alam mo ang gusto mo. Dapat alam mo kung anong passions mo. Dapat alam mo kung ano’ng purpose mo sa buhay para mamaximize mo ‘to.

Leveling up

Sa Role Playing Games, online man o offline, maglelevel-up ka lang ‘pag tumataas ang XP o experience mo. Magegain ang XP Points after slaying enemies or finishing a quest. Mas mataas ang level mo, mas malalakas ang kalaban. Gaya sa buhay, maglelevel-up ka lang after lording over your problems and finishing your goals.

Party/ Fellowship

May Party din dun. Hindi yun birthday party o disco party ah. Party yung tawag dun sa kukuha ka ng mga kateam mates mo at sabay kayong lalaban or tatapos ng quests and then you share XP points. Nangyayare din yan di’ba? This aspect happens when you can’t beat one burden and you share it with your friend. Pareho naman kayong nagaanan at may natutunan ‘di ba?